13.8.11

P.ag-I.big

Kung may makakapulot ng 1884 talaarawan ni Rizal nang hindi nalalaman kung sino ang nagmamay-ari nun, malamang aantukin siya sa pagbabasa. Ang tanging makakapukaw ng interes marahil ng mambabasa ay ang kaalamang talaarawan iyon ng isang sikat na tao. Kumpara sa talaarawang isinulat niya noong siya'y mas bata, di hamak na tuyo ang 1884. Kung dahil ito sa pagiging mas abala niya sa pag-aaral ng medisina o dahil sa pagkatigang ng katamarang i-ulat mag-ulat, hindi ko alam. Hindi man lang niya nilawigan ang kwento ng mga pinag-usapan nila na makakakuha sana ng atensyon ko. Siya lang ang makaka-appreciate ng mga sinabi niya. Kaya kung naiwala niya ito sa kanyang paglalakbay, wala siyang dapat ipag-alala.

Yan ang opening paragraph na sinulat ko para sana sa take home essay ng first unit test sa P.I. Pero nang balikan ko yung tanong, hindi pala "What kind of person do you think Rizal is based on his Madrid 1884 Diary?" kundi "What kind of person do you think Rizal is based on his expenses listed in the Madrid 1884 Diary?".  Sayang naman ang paragraph na yan kaya..... Wala lang.

Gusto ko lang i-note nang paulit-ulit  na lubos akong nag-eenjoy sa P.I. Matagal ko 'tong hinintay mula pa noong panahon ni Ma'am Villegas. Deds na deds ako kay Rizal at sa Prof ko. Sa sobrang deds, inasam kong sa Ateneo na lang mag-aral ng history dahil kay Sir. Yung feeling kapag kinakausap ako ng kras ko o kapag nakakasalubong ko sa hindi inaasahang mga lugar yung mga kakilalang magaan ang loob ko (.Recently, sumasaya ako pagnakakasalubong ko sa UP yung mga kakilala ko). Yung hindi ko mapigilang ngumiti abot tenga kahit mag-isa. Yun yung nararamdaman ko kapag nag-aaral ako para sa P.I. Parang sasabog ang puso ko sa tuwa.

Exam nga pala namin kanina. Nabigyan ako ng pag-asa sa uno. Sulit ang pagpila ko nung enrollment.

Masaya ako ngayong mga linggo. Sana ganito rin kaligaya ang dalawa kong poste.

No comments:

Post a Comment