19.8.11

Floyd=David

Geca: Ano ngang pangalan mo, kuya?
Floyd: David.
A: O_o Anong pangalan mo???
Floyd: David.
Geca: Akala ko ba magkakilala kayo? :))

Akala ko rin.

Nangangalahati na ang sem at nakachamba ako sa social life. May 3 kaklase akong laging nakakasalamuha at nakakachikahan kaya palagay ko safe na sigurong sabihing "friends" ko sila: Si [kuya] Floyd sa Philo 175 (Philo of Law), Ate Gina sa Philo 113 (Contemporary Philo) at Jecca sa MS1. Pero mas friend ko siguro si Floyd at Ate Gina dahil mas madalas ko silang nakakasama at mas mahaba na ang "pinagsamahan" namin.

Si Jecca, first year B.S. Stat, ako gurang na. So siguro hindi maiiwasang parang may "gap". Kahit komportable ako sa kanya, feeling ate , lagi akong nagse-save ng upuan para sa kanya at sabay kami lumalabas ng room, baka hindi mutual yung feeling. At since hindi siya sasama sa field trip namin, hindi rin kami makakapagbonding.

Si [kuya] Floyd halos mag-dadalawang sem ko nang kaklase. Nung una ko siyang naging kaklase, sa 195 (Philo of Lang) na pinagdisappear-an niya. Hindi kami masyadong nag-uusap, hindi rin kasi siya mahilig magpakita sa klase. At hindi ko siya matingnan nang maayos. Pero ngayon, feeling ko 4 years ko na siyang kilala. Feeling ko batchmate ko siya. Pero mas close na ata ako sa kanya ngayon kesa sa mga tunay kong batchmates, kahit kay philobuddy Sheanna. Di ko rin alam kung pano nangyari yun. Nag-usap lang kami minsan tapos biglang nag-click. Magaan ang loob ko sa kanya, parang kay kuya Eric. Siguro dahil naaalala niya ang mga sinasabi ko. Madalas rin niya kong pagtripan. At madalas kami pareho sa lib. Siya, natutulog. Yun din siguro ang ibig niyang sabihin nung akala niyang 2007 pa lang naging magkaklase na kami sa ibang subjects (na physically impossible). O pwedeng may katulad ko sa upper batches. Heaven forbid.

Si Ate Gina hindi ko talaga inexpect. Hindi kasi ako marunong maki-level sa mga nakakatanda. Di tulad ni Cath at Hope. Kaya naiintindihan ko kung nahihiya talaga sa'kin si Jecca. Si Ate Dhita hindi ko talaga naka-close kahit marami sanang pagkakataon dahil kakarampot lang kami sa klase. Kay Ate Kristine din, nahiya ako. Anyway, ayun komportable na rin ako kay Ate Gina kahit hindi niya ko pinagtitripan. Ambait-bait niya, at nageenjoy ako makipag-chikkahan sa kanya. Parang siya yung tipong nakakaintindi sa mga taong nahihirapan. I think I know why.

Bukod sa kanilang tatlo, may isa pa dapat eh. Pero hindi ko siya nakikita. Sa fb ko lang nakakausap. Si Karmina, yun ka-grupo ko sa 197 last sem. Hindi ko talaga masyadong gusto yung group na yun nung una dahil ang awkward namin. Kahit nung inubos ni Mannix yung break ko sana dapat para sa isang group exam na sobrang OC niya kaya nauwi sa bonding. Nappreciate ko lang sila nung ginagawa na namin yung video. Salamat sa pamimilit ni Mannix. Si Karmina napalapit lang sa puso ko nung mismong report na namin dahil sa mga shinare niya tungkol sa sarili niya. Naintindihan ko siya. Naalala ko lang dahil tinanong ako ni Geca kung close kami. Napaisip ako. Gusto ko siya pero masikreto siya. Hindi niya nakwento sa'kin yung mga kinwento niya kay I.E. Pero natutuwa ako pagnakikita ko siya. Feeling ko kaya ko na ring sabihin sa kanyang natatae ako. In person.

Bukod sa kanilang apat ang social life ko ngayon ay ang occational hi-hello at pagpapangiti  ni Ayen/Ien (di ko alam kung bakit lagi kong nakakalimutan ang Tip#1 pagdating sa kanya), ang tanungan namin ni I.E., punchlines ni Sab-ssi, panghihiram ng notes ni Michelle-ssi, damayan namin ni Karl, at ang dumadalas naming pagtatagpo ni Rosa. Si Charm iba sa personal, iba sa internet. Parang mas friendly siya sa internet. Parang may nagbago sa'min ni Patrick... simula nung failed fb hirit. Idk...  At oo nga pala, formally introduced na kami ni Fina. Thank you, Nissa.

Speaking of PhiloSoc, parang feel na feel ko ang Taoism. Intuition ang basis ng social life ko. Hindi ko pinipilit kung hindi komportable. Pinapakinggan ko lang ang pintig ng aking puso. Hindi ko nga lang talaga maintindihan kung bakit mukhang malungkot ang poker face ko. Blasted physiology.

Sa sobrang tahimik ko habang inoobserbahan ang mga kaklase ko, nakakalimutan kong wala pala silang nakukuha sa'kin. I mean, nakikilala ko sila sa panonood ko. Napapalapit sila sa'kin. Pero ako hindi napapalapit sa kanila. Parang TV. Nagugulat na lang ako pag napapansin ko. Hindi ko sinasadya. Nature as default.

Wala lungz. Eto na naman ako. Ang social life para sa'kin ay ang "smallness" para kay Rizal.

No comments:

Post a Comment