January 3. 9:20am. Sarado pa rin ang Law Research Section. Kung tama ang pagkakarinig ko, may courtesy call daw si Mayor. Andito na yung mga OJT. Andito na yung reader. Andito na ako. Umalis yung mga incharge. At sira ang scanner namin sa bahay.
Wala akong alam sa courtesy call, kung ano man yun, kung para saan yun, bat kailangan nun. Pero dear Mayor Ulam, kailangan bang tumigil ang mundo para makipagkamay lang san'yo? Sinasabi n'yo tuwing eleksyon na pagsisilbi sa bayan ang pakay n'yo sa pagtakbo [kahit alam naming hindi talaga, dapat pinagbubuti ny'o pa rin ang pagpapanggap]. Courteous bang paghintayin ang "pinagsisilbihan"? Ang alam ko, lagi pa kayong late eh.
Pero ok lang naman sa'king tumatakbo ang hours ko nang hindi nagtatrabaho. Inaantok talaga ako eh. Sana nga lang dinala ko sina Poicare at Duhem.
10 something. Bumalik na ang mga empleyado at muling kumilos ang mundo ng QCPL. Sa teritoryo ko, may nagpatulong na matanda sa paghahanap ng R.A. 6770 at 1019 ata. Tapos, nag-encode ako ng E.O., as usual. binigyan nga pala kami ni Ms. Janet ng munting souveneir mula Pagudpud na tatanawin kong alaala ng aking NSTP. Nagpamudmod din ng kalendaryo mula kay Mayor na may mukha siyempre ni Mayor. At inuwi ko ang 3 sa mga E.O cards na obsolete daw kaya 'wag ko na i-encode.
No comments:
Post a Comment