18.1.11

'G'ate vs. 'G'erms

Tinatamad ako. Pero para sa CWTS kailangan. Nakuha ko na yung listahan ng requirements kanina lang. Journal nga yata talaga yun. Salbahe yung mga nasa department ng ILS. Pinagtripan ata ako.

A: Si Miss Gia (pronounciation: 'giya') po?
Ms. NakaStripes: Uy, Gia ('giya') daw. Ikaw ba yun?
Ms. NakaOrange: Gia ('giya')? Sinong ('giya')? Baka yung naka violet dun.
A: .... [Eh aba malay ko ba kung pano ipronounce yun. Sa e-mail lang sa'kin sinabi. At ngayon ko lang nakita ang pangalang yun buong buhay ko.]
Ms. NakaOrange: Ano bang kailangan mo sa kanya?
A: May kukunin lang po ako.
Ms. NakaOrange: Hala. Anong kukunin mo?
A; Yung iniwan po ni Ma'am Grace.
Ms. NakaOrange: Ah yung para sa CWTS. Kunin mo na lang dun sa taas ng tray. Nakasulat naman dun yung pangalan mo eh.

Bago ako umalis, tinuro ni Ms. NakaOrange yung nakapurple na nakaupo sa ibang desk.

Ms. NakaOrange: Siya si Ms. Gia ('giya').

Yeah right.

17 January. Hindi na naman tipikal na araw. Naglugay ako dahil giniginaw yung batok ko. Natakot ako nang hindi ko nakita si Angeline pagpasok ko. Sa halip, lalaking noon ko lang nakita ang nakaupo sa harap ng computer. Bago. Si JR, hindi ko na nakikita. Tapos na kaya siya? Wala na naman yung reader na dating laging andun. May mga nagpatulong na reader. At feeling ko, naharass ako dun sa lalaking guard.

Hindi ako papasok sa Sabado! XD

No comments:

Post a Comment