3.5.09

thylakoid,

sa lahat ng pwedeng problemahin sa mundo, pinaka ayokong gumugulo sa utak ko yung lablayp. kahit kelan hindi ko pinangarap na manghingi ng advice mula sa kahit kanino. alam ko na naman kasi ang dapat kong gawin. pero di laging ibig sabihin ng alam ay kaya. ang hirap naman kasing mangolekta ng kapal ng muka at mag-ipon ng lakas ng loob. at ngayong di na kita maabot at feeling ko di ko na talaga kakayanin, eto o ginagawan kita ng sulat na umaasa akong di mo mababasa. nakakahiya eh. pero ito lang kasi kaya kong pageexpress ng sarili. sa pagsusulat.

2 taon ang tanda ko sayo. kung idadagdag mo pa ang 3 taon na advance ng babae sa maturity ayon sa mga siyemtipiko (2x3), 6 na taon na ang agwat natin. kahit parang masresponsable ka sa mga kasama natin. kahit mas mature ka sa mga mas matanda sayo. at kahit muka akong mas bata sayo, ramdam ko na noong wala talagang pag-asa. kung di ko lang sana nalamang napapansin mo pala ako. napakaingay talaga ng mga tao. di na sana ako nabuhayan ng pag-asa nung biglang namamansin ka na.

parang iba eh. nakakaantig na naaalala mo yung mga reply ko at kasama ako sa mga binababayan mo pag-aalis ka na. nagulat ako nung binalaan mo kong mag-ingat dun sa mga langgam na di ko napansin at nung sakin ka nakipag-pair imbis na dun sa kasama mo nung buddy-buddy na wala akong ka-buddy. natutuwa ako pag namamansin ka. kahit para lang magtawag ng stretching. kahit para mang-asar lang na pagod na ko. kahit nung napahiya ako kasi narinig nung guest mo na nag-happy bday ako pero matagal na palang tapos bday mo. kahit nung pinag-uusapan lang natin yung isa nating kasama. kahit nung ikaw yung pinakukuha niya ng vid ko para sa bday avp ni coach kasi ayoko talagang magpa-vid. kahit nung tinatanong mo lang kung san ko ipopost yung pics nung may monthly bday celeb pa tayo. napaasa ako nang husto. lalo na nung fin swimming. pero na-realize ko rin nun na kahit anong oras, pwede kang bigla na lang mawala.

at bigla ka ngang nawala nung feb ring yun. naghintay ako. hanggang ngayon naghihintay pa rin akong makabalik ka na. 6 months ba? hindi ko naman kasi tinanong kung anong nireply mo nung nagloko ang lintik na multiply na yan. kay laking hadlang. sign ba yun na dapat na kitang tigilan? pati yung pinakabago kong sinalihan e, binura mo na. kaya pala kanina parang balak ko nang mag-vacation mode dun. wala na kasi yung dahilan ko ng pagsali. sa totoo lang, napapraning na ko sa mga nababasa ko sa mga account mo.

kung walang internet, imposible palang maabot kita. ngayon ngang meron e nahihirapan na ko. kahit pa nang matuklasan ni redondo na pinsan ka pala nung nililigawan niya sa kalayaan. at pinsan ng pinsan mong yun yung kabarkada naming UPIS teacher. maliit man ang mundo, malaki pa rin ito.

kinakatakot ko ngayon ay ang magkaalaman ng totoo. kung para kanino yun.. kung alam mo ba na.. kung makakabalik ka pa ba.. kung totoo ang kaingayan nila.. kung anong nangyayari... mangyayari. gusto kitang makilala pa, maging kaibigan, maging kaclose katulad nilang lahat na parang wala lang. nang di naiilang, di nag-aalangan, di kinakabahan. pero dapat pa ba? natatakot akong aminin na may mga bagay na masyado mang maaga para sabihin, e masyado namang malakas na ang hatak. at masakit itago.

kaya ngayon, titigilan na kita. na parang wala lang. mangyari na ang mangyayari. di na kita guguluhin. patahimikin mo na sana ako.

No comments:

Post a Comment