Ang motto ko sa pag-aaral. haha XD pinag-iisipan ko na nga kung kakayanin ba ng grades kong kumuha ng science na cognate elective. leche kasing exam yang sa bio. yun lang ang basis ng grade namin. e kaso kahit mag-aral ako, parang di ko pa rin maintindihan yung mga tanong ng prof. naka-3 tuloy ako sa 2nd exam. hindi ko matanggap na masmababa sa 1.75 ang maididisplay sa transcript ko. kaya kahit exempted na ang mga 3 pataas mula s pagkuha ng finals, magte-take pa rin ako! kala ko pa naman makakapagbasa na ko ng fiction. T_T
kaninang naabutan ko ang mga pakalat-kalat na NASAean sa pagitan ng FC at PH, napapaisip tuloy ako kung baka masyado na kong nakapag-adapt sa philo na hindi ko na kayang mag-survive sa science subjects. sila kasi puro science courses. di hamak na mas objective sa philo. sa philo kasi, lalo na sa tunay na mundo, madalas higit sa isa ang pwedeng sagot. e sa science, kadalasan, dapat eksakto. yung mga pangalan... yung mga terms. ayoko pa namang nagme-memorize. memorization is the lowest form of learning. if you even really learn anything by memorizing.
nakita ko yung lumang exam sa comp sci nung grade 8. wala akong matandaan sa mga nakasulat dun. ibig sabihin ba e wala akong natutunan dun? haha. feeling ko ganun nga. masasabi ko lang na natuto talaga ako kung naaalala ko pa yung mga tinuro. parang bio. kahit papano, may naaalala ako. di nga lang sapat para maka-uno.
akala ko dati basta nagets mo yung tinuro, madali na lang pagnag-test. pero hindi pala laging ganun. kung yung exam e iba yung pagkaka-phrase ng mga tanong sa pagkakasabi sa klase edi mahirap ding sagutin. hindi pala perfect score sa exam ang sukatan ng mastery.
No comments:
Post a Comment