14.10.11

Philo Friends

For my usual social life rant, I shall expound on a list of friends I think I made. I know sinabi kong titigilan ko na'to, pero hindi ko talaga mapigilan isipin. And I guess I find this therapeutic. At magta-taglish ako dahil ngayon ko pa lang pinag-iisipan 'to habang nagta-type. This is supposed to be a break from my 175 paper mode. Nahihilo na kasi ako, so I'll try to keep this short.

Nang una akong tumapak sa UP bilang philo major, isa sa mga goal ko ang makahanap ng friends. Yung kapareho ko ng pag-iisip. Total, iisang course lang naman kami edi kami-kami lang rin ang magkakarelate-an. Gusto ko ng kapalit ni M. Siya lang kasi ang nakakausap ko dati tungkol sa stuff na lumiligid-ligid sa philo. Nasabi ko na'to dati.

After 3.5 years, I realized how wrong I was. For some reason, hindi pa rin kami nagka-ka-relate-an ng 3.5 years ko nang mga kakilala. The closest I got was my philo buddy, SB. Pero isang sem lang yun and we're now slowly drifting apart. I actually even doubt na may nabuong bond... though I do like her. And I wouldn't want her to read this. Next perhaps would be TC, my classmate and seatmate for 3 years. Ngayong 4th year lang hindi na. Hindi kami talaga close pero hindi ako naghehesitate na kausapin siya tuwing nagkikita kami. Ganun na'ko ka-komoprtable sa kanya. Just like SB. Then, there's MCL. Again, hindi kami close but I like her. Nafi-feel ko pa rin yung bond namin bilang dating apps, though she probably no longer does. Si JA, hindi namin original blockmate. Transferee siya from LB's socio and he doesn't seem proud of it. Lol. Again, I like him enough that I actually asked him why I no longer saw him. LOA. And oh yeah, si PV. Hindi talaga kami close pero we were once brought together by Friendster's UP group. Dun niya nakilala si M and I think aware siya na best friend  ko yun (dati). If she remembers. Hindi ko alam kung bakit hindi kami naging close. Plus PM who claimed he owes me ice cream or Moonleaf for helping him out with his report. He offered thrice na, I think, na sabay kami umuwi or pumasok sa 113 dahil andyan lang siya sa Maginhawa umuuwi. But I refused him thrice as well with (pragmatically) true excuses. Hindi pa'ko ganun ka-comportable sa kanya para sabihing ang tunay na dahilan ng refusals ko ay ang aking parents. I also like him, pero nahihiya pa rin ako. The rest, mostly hi-hello lang. But I like them all at okey naman ang aming relations. I feel connected bilang philo majors. Hindi lang talaga kami close.

My usual explanation is my 8 years requirement of familiarity before feeling comfortable. Which I now consider crap because of two people. Anyhow, the ridiculous 8-year requirement didn't stop me from trying. Ang pinaka madaling lapitan ay yung mga "needy". I don't mean ill when I say needy. As a matter of fact, I am one. Yung mga parang kulang ang self-confidence at hindi kasama sa mainstream bonding ng mga magkakaklase. In short, yung mga napag-iiwanan. For various reasons. Isa si JA dun, I think-- bilang transferee na walang org. Yung mga delayed tulad ni Ate G, Ate T at FR. Yung mga may lihim na dinadala tulad ni KV. At yung mga socially retarded na tulad ko. Misery likes company daw e. Pag kausap ko sila, I try to be as cheerful and accommodating as my mood permits. Kasi di ba mas masayang kausap yung taong natutuwang makita ka at nakikinig sa mga sasabihin mo? At bumalik din sa'kin yung epekto. Tunay na natutuwa ako pag nakikita ko sila.

Si FR ang pinaka hindi na misteryoso sa kanila. Siya na yung pinaka-regular na tao sa UP life ko sa kakatapos lang na sem. Kasundo ko siya sa maraming bagay. Sa org issues, sa religion, sa temperament, sa attitude sa pag-aaral at kung anu-ano pa. Marami na kaming napag-usapan at pinagsamahang break. Hindi na rin siya nahihiyang pagbayarin ako ng readings niya sa 195. Na binayaran rin naman niya sa'kin. Kaya feeling ko hindi na nakakahiyang hingan siya ng favor at hindi na ko mahihiyang makipag-usap sa kanya tungkol sa kahit anong topic. Maliban sa aming pagkakaibigan. Tulad na lamang ng hindi ko maiwasang pagkaailang nung magkasama kami sa ACLE ng PhiloSoc at nung nagdecide kaming magkasamang manood ng Investiture ni Pres Pascual. But of course I'll never tell him that. Wala rin akong balak ipahalata. Parehong pagkailang ko nung mga unang beses akong hinahatak ni E matapos ang lansag. After nun, hinahanap-hanap ko na rin siya. Come to think of it, he does remind me of E. Si E talaga ang standard ko.

Then there's ERH the second person to refute my 8-year hypothesis. Di tulad ni FR, it took a longer time para maging komportable kay ERH. And I'm guessing, vice versa. Though lamang siya ng isang klase kay FR. Si ERH ang pinaka-regular na tao sa fb chat ko. Pinagtatakhan ni Ervin kung bakit lagi na daw akong online na dati ay hindi. Positive reinforcement ang sagot. Pero siyempre, hindi ko aaminin yun sa kanila. Tapos inaraw-araw ba naman ako ng PM ni ERH nung isang linggo na lagi ko na tuloy napapansin kung online siya o hindi. Hello, classical conditioning. No, I'm not complaining. I like him enough that I wouldn't mind kung magme-message siya hindi lang dahil bored siya. Pero ang napansin ko, pagdating sa kanya, tamang-tamang nangyayari lahat. Things just fall into place. Another E thing. Katulad na lang nung last lecture sa 175. Tinabihan ko siya just because I felt like it. Hindi naman ako nagsisi. Tapos biglang naayos ang lahat so that magkasama pa kaming naglakad  mula class hanggang Jovits in the name of readings, hanggang sa sunduin ako sa Abellardo. It was really nice of him to wait with me. Yung bonding talagang yun ang nagbago ng tingin ko sa kanya. Ang gaan niyang kausap. Parang musings lang sa isip ko kapag wala akong ginagawa. Kung anu-ano at di kailangang may coherence ang one topic to the next. Kung ano lang ang maisip mo, yun ang sasabihin mo. Tapos pwede mong biglang balikan yung sinasabi mo kanina. Which was the example he set. Marami-rami rin kaming napag-usapan. I think I still remember most of it, pati kung saan banda nasabi. He has a way of getting things out of you. Magkekwento siya, tapos makikinig siya at hindi niya minamadali yung sasabihin mo. May silence in between, which wasn't awkward at all. And he smiles a lot. But best of all, he remembers what you say. Even the stupidest details. Such that you're under the impression na interesado siya sa sinasabi mo. Na-flatter ako nung sinabi niyang marami siyang tanong. Pathetic mang aminin pero bihira kasing may nagtatanong tungkol sa'kin at nakakaalala. Kaya big deal sa'king pag may nakakaalala. Pahapyaw lang din naman ako sumagot dahil hindi rin ako sanay makipag-usap. Mas sanay akong magsulat.  anyhow, he has given me the impression that he appreciates the fact of my social retardation. He's really something. Naalala ko tuloy sarili ko. I wonder kung ganyang aura rin yung napaparamdam ko sa mga sinubukan kong kaibiganin.

Actually, sa sobrang accomodating ng impression ko kay ERH base sa Tuesday na yan, hindi ko na alam kung ilang percent pa ba ng abstraction ko ang nagcocorrespond pa sa real world at hindi pa tinatamper ng hyperactive kong imagination. Madalas ko siyang maisip lately, and it doesn't help at all. Kaya mas gusto ko siya kausap in person. Pero whatever. Nago-over analyze na naman ako. Naubos na ang insights ko para sa araw na ito. Hindi ako actually natutuwang basahin ang posts ko. Puro I at ako. Puro feelings. Wish I could just take it easy. Ang gusto ko lang sa ngayon, bukod sa 99 na NMAT, mapanatili yang mga taong yan tulad ng elem at highschool friends ko. Lalo na yung dalawang major.

Relatively short compared with my almost 20-page paper.

1 comment:

isipbatanginosente said...

ok lang ilabas ang feelings...
nakakatuwa, i can sort of see what's in your mind..

Post a Comment