Sa kanya nakareserba yung mga kwento ko tungkol sa lablayp. Lablayp meaning kras. Sa 'di malamang kadahilanan kasi, yung mga taong kinababaliwan ko talaga ay somehow matutuklasan kong konektado sa kanya: yung paniki na kabatch niya (pero hindi ko nga pala yun naging kras). yung pinsan ng dati niyang niligawan. at ngayon yung bespren ng (at feeling ko, nagmamahal sa) nakilala niya sa pamamagitan ng isa niyang hayskul kabarkada. Apat na beses pa lang naman talaga ako nababaliw. Yung kwento ng mag-best friend na yun ang isa sa gumagambala talaga sa kapayapaan ko sa ngayon. At sa kanya ko talaga gustong ikwento yun. Naiintindihan niya ang mga kalandian ko.
Nagpapasalamat ako sa kanyang pagtulong sa detective work ko. Hindi ko lang alam kung dapat ba kong matuwa na binibigyan niya ako ng pag-asa. Sa pagkakakilala niya sa'kin, sana maalala niyang gusto kong manalo sa bet namin kaya Platonic lang talaga ang pakay ko sa taong yun.
Anyway, nang silipin ko ang profile nung isang kambal, medyo luminaw sa akin ang lahat.
Matapos nga pala ang halos isang linggong LSS sa Always ni Rosa, napalitan na ang kanta*. Matagal ko nang naririnig pero nang pakinggan kong mabuti, maganda pala. Yan yung tipo ng kanta na maganda lalo 'pag choir ang kumanta.
When you get a boyfriend, you become the best friend and the best friend becomes the second best friend. That's just how it has to be, if it's ever going to work. - BlairWaldorfNaiintindihan ko naman talaga. Mahirap lang iwasang magdamdam. At natatawa ako na sa Gossip Girl pala yan.
Matapos nga pala ang halos isang linggong LSS sa Always ni Rosa, napalitan na ang kanta*. Matagal ko nang naririnig pero nang pakinggan kong mabuti, maganda pala. Yan yung tipo ng kanta na maganda lalo 'pag choir ang kumanta.
*NOTE: hindi ito dedicated kay Kuya Eric.
No comments:
Post a Comment