Pagod na ko sa 'the look' ni Sartre. Pwede bang possession na lang ni Schopenhauer? Joke. XD Platonic love talaga ang gusto ko. Pero bentang-benta sa'kin ang subjectivity mo ayon kay Dy. Step 3 na'ko, psychological reduction. Pero di ako makausad sa next step, eidetic reduction, hangga't walang constant interaction.
My 'philosophical' way of saying: Pwede bang tama na ang tinginan? Gusto kitang kaibiganin. Lagi na 'kitang naiisip. Kausapin mo naman ako!
LOL. Alam kong korni. Pero nagpapakatotoo lang ako. Hanggang dito ko lang naman kayang magpakatotoo. HAHAHA. Mabiyayaan lang ako ng pagkakataong kausapin siya (i.e., mabiyayaan ng sasabihin sa kanya), go na'ko. Pero wala e. Nada. Pero nangangarap pa rin naman ako. Kahit tuwing makakaupo siya sa tabi ko o sa sobrang lapit sa'kin, lumilipat siya agad sa upuang malayo sa'kin sa first instance na pwede siyang makalipat. Kahit napapraning na'ko, iniisip ko na lang na mas komportable siya sa likod ng room. Lagi naman kasi ako sa harap. Nakakahalata kaya siya? Syet, nakakahiya!!
Anyway, hindi siya ang gusto kong pag-usapan dito. Kailangan ko lang ng outlet, kasi mababaliw na'ko sa kaka-objectify niya sa'kin (i.e., Sartre's the look). Ang topic talaga nito ay yung isa pa naming classmate na hindi ko man kras ay gusto kong maging friend. May pagka-gag* kasi sa klase 'pag humihirit, pero kitang-kita ko sa kanya yung depth na hinahanap ko sa mga gusto kong maka-close. Itago natin siya sa pangalang Nothingness.
Hindi ko alam kung pano siya lalapitan, pero naramdaman ko kasi yung effort niya na pansinin ako. Nagsimula yun nung late siyang dumating at inanounce ni ma'am yung date ng exam at major quiz. Tinatanong niya yung katabi ko, pero hindi rin niya alam so napatingin sila sa'kin. Siyempre, sumagot naman ako. Matapos nun, tingin ko narealize niyang sa lahat ng kaklase namin, ako na lang yata ang hindi pa niya nakakausap (o kung meron pang iba, isa ako sa kanila) kasi yung next meetings after nun, kinakausap na niya 'ko. At ewan ko ba, parang pati pagkakataon, pinaglalapit talaga kami.
Yung unang meeting after ng una naming pag-"uusap", reporting ng group ko. Dahil nauna akong dumating sa groupmates ko at nag-aalala ako kung kukunin nung inassign sa projector yung projector, dun ako tumayo sa tabi ng pinto. Nag-aabang. Nung padating na si Nothingness, nahiya naman akong salubungin siya dun sa pinto kaya, pumasok ako uli ng room. Pagpasok niya, saka ako bumalik sa doorway. Lumapit siya sa'kin maya-maya at tinanong ako.
N: Hinihintay mo sila?
G: *tango* Si Karmina.
N: *tayo sa tabi ko, kalikot ng readings* Ano yung activity nyo?
G: Group discussion lang nung pina-HW namin san'yo. Tas sharing sa class.
N: Ano yung sinasabi ni Mannix na activity?
G: Ah. Yung ilo-logotherapy daw niya yung class.
N: *tayo sa tabi ko in silence. after a few seconds, upo sa chair directly sa likod ko, nagbabasa*
The next day, andun ako sa 2nd class ko. Sa katabing room yung class ni Nothingness bago yung class ko. Dahil late sila dinismiss, nadadaanan ko pa dun ang class nila. Nung dumaan siya sa room ko, nagkatinginan kami. Yung mukha niya pang-asar dahil ako pa lang ang studyante sa room na yun. Kami pa lang ni sir. Note na dati NR kami pag nagkakatinginan. Ni hindi nga kami ata nagkakatinginan e.
Fourth encounter, nung hapon. Maagang kaming nadismiss sa lab kaya dumiretso na'ko sa PH408 para maghintay ng next class. And guess who ang naabutan ko dun. Nagdodrowing. Trabaho niya, sa pagkakaalam ko. Nagdalawang isip pa'ko kung papasok ako. Nag-hi siya sa'kin, the Korean way. (Sa kanya ko nakuha yun, nung nakita kong ginagawa niya yun sa isa kong prof. Para kasing ang gandang gesture for respect). Pumasok ako.
N: May class ka dito?
G: *tango*
N: Anong class mo?
G: 174. Bioethics.
N: Kay Ma'am SJ?
G: *ileng* Kay Peter Sy.
N: Ah. Hindi ba nag-offer si Ma'am SJ?
G: *ileng* hindi eh.
After a few minutes, pinagpatuloy niya ang pagkukulay. Tapos naupo lang ako sa normal seat ko. Tahimik. Tapos, isang tingin niya sa orasan niya sa cp, at nag empake na siya. Tapos tumayo na siya.
N: Aga mo ah. Sipag!
G: Hindi naman. Maaga lang kaming dinismiss.
N: Sige. *waves goodbye*
G: Sige.
Pwede akong humirit pa nun na "fallacy yan. blahblahblahblah." Pero nanahimik na lang ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang hindi ko naman siya pinapaalis. Maaga pa e. Pero naisip ko rin na kailangan niyang umalis dun sooner or later. Lalo pa't sa teacher's desk siya nakaupo.
Yung fifth encounter ang hindi ko inaasahan. Hindi naman kasi normal na nangyayari sa'kin yung saktong coincidence na tulad na nangyayari sa iba, katulad ni Rosa. Tawang-tawa ako nung nag-seat in ako sa isang class niya. Panpil ba yun? Yung kaklase at kagrupo niya si Eloi at Paulina. At seat in din si Ampalaya. Nagpapraktis ata sila para sa skit para sa book launching eklavoosh. Tapos dahil wala ata yung kagrupo nilang makikipag-interact sa character ni Rosa, ginamit na lang nila si Ampalaya.
Anyway, sa class, yung group na nagrereport ay may ice breaker. Since love ang topic nila, may kalahating hearts silang ipinamimigay tapos ang goal ay mahanap ang partner. Wish ko nun si ano yung partner ko. HAHAHA! Pero hulaan nyo kung sino pala. Nothingness ang code name niya dahil yun ang word na mabubuo nung hearts namin. Part ko yung 'ness'.
Last na yung meeting after nun. Maaga ako sa room at kakaunti pa lang kami. Mga 5? Tapos ayun, maingay siya. Habang ako natutulala, hindi sa kanya, pero sa sahig. Iinaabsorb ko ang fact na nasa-iisang lugar kami ni ano. HAHA. Tapos itong si Nothingness, winagayway yung kamay sa harap ko, "Lalim ng iniisip ni Ate ah." Wish ko lang 'wag niya na 'kong tawaging 'Ate' dahil mas matanda pa siguro siya sa'kin. At 5th year na ata siya.
Anyhow. Feeling ko masyado na kong madaldal. Supressed ako e. Nakakahiya talaga kung mababasa ito ng mga taong nasasangkot. Kasi magegets nila. Pero hindi naman siguro sila stalker katulad ko diba? XD
Basta gusto kong gawing project yun. Yung mapalapit sa 3 taong napili ko bago ko sila hindi na muli makita. Mauunahan ko pa silang grumaduate, sa palagay ko. Si pangatlo, next time na ang kwento. Tingin ko sa kanya ako pinakamahihirapan. Goodluck sa'kin.
Si Kuya Eric, kras ko lang yun dati e. Ngayon, best friend ko na. Pagkakataon lang ang kailangan. Hindi ko na kinailangang mag-effort masyado. Kasi friendly talaga siya. At simula pa lang, nag-click na kami. Sana makakilala rin ako ng ganun ngayong college. Hindi sa gusto ko siyang palitan. I just feel so isolated.
No comments:
Post a Comment