nung tuesday, nakilala ko na sa wakas ang dating nililigawan ni kuya eric sa kalayaan na pinsan ni darox na pinsan din ng dati naming teamcap... si thea. akalain mo yun, ang liit ng mundo. hindi siya kasing ganda sa pic na nakita ko sa blog ni darox. pero maganda siya. nakita ko sa kanya ang genes ni darox. kung swimmer siguro sila, pwede silang flyer.
nakilala ko rin ang sinasabi ni kuya eric na karibal ko. haha. yun ata yung sabi niyang naaalala niya ko. maganda siya. di ko nga lang makita ang sarili ko sa kanya. haha. makwento, di gaya ko.
naaasar ako sa sitwasyon ni kuya eric. pamilyar na pamilyar. wag na wag lang sanang mangyari kay thea yung nangyari sa kin.
No comments:
Post a Comment