13.10.09

Avoidant Personality... Disorder?

May sintomas ako ng avoidant personality disorder. Nagulat na lang ako bigla nang mapansing may ka-match ako sa chronic-fearfulness/avoidant cluster. Ang pinagkaiba lang... mataas ang self esteem ko. So... disorder pa rin kaya to? o pwedeng personality ko na lang talaga yun?

tuwing nakikita ko ang mga kamag-anak ko sa father's side ng father's side ko (pamilya ng lolo ko sa ama), winiwish ko na sana hindi na lang ako ganito. gusto kong maging social. gusto ko silang maka-close. napaka-warm kasi nila. ang gulo pa ng relasyon namin. yung mga 2nd cousin ko ay kasintanda ng parents ko. yung mga pinsan ng tatay ko sintanda ng mga magulang niya. therefore, ang mga kasintanda naming magkakapatid (elem, hayskul, college) ay mga pamangkin na namin.

ok na nga sana yun eh. ang friendly ng 2nd cousins namin. edi ok na ok na sana. tas mas madali pa para saking kaibiganin ang mga pamangkin ko kasi mas kumportable akong maging "nakakatanda" kesa maging "nakababata". in theory. kaso nawiwindang ako kung pano ko sila tatratuhin. bilang pamangkin? bilang kasing edad? pano ba yun?? at siyempre dahil sa ipinagkait sa king social skills, tumitiklop na naman akong parang makahiya. hindi ko pa rin sila makausap.

kung psychiatrists ang tatanungin, may pag-asa pa ko. pwede akong resetahan ng antidepressants o antianxiety. kaso baka mauwi sa pagiging drogista. sasabihin ng mga alagad ni freud, nagsimula ang aking mga problema sa aking kabataan. hmm. siguro kaya ako tahimik dahil maingay ang nanay ko. dahil tahimik ako, naghahanap ako ng kaibigang maingay tulad ng NASA para maging bahagi ng buhay ko. para balanced. at para mas maintindihan pa ang aking sarili, kailangan kong managinip. but then again, nagsimula lang naman ang muli kong pagtahimik nitong college. may pag-asa pa ko nung hayskul. sasabihin ng humanists, kailangan ko lang ayusin ang konsepto ko ng "sarili". kailangan ko daw ma-realize na may freewill ako at choice ko ang mga pangyayari sa buhay ko. therefore, nasasakin na rin kung babaguhin ko. e gusto ko na ngang baguhiiiin e! pero hindi ko magawaaa. hindi ako kumportableee. sasabihin ng cognitive psychologists, nasa pag-iisip ko lang yan. kung papalitan ko ng positive thoughts ang aking pag-iisip, magagawa ko ang hindi ko magawa. pero anu baaa. di nga talaga ako kumportable. yun na lang ang kulang. kung sasabihin kong komportable ako kahit alam kong hindi, di ba parang niloloko ko lang ang sarili ko? sasabihin ng behaviorists, sanayan lang yan. kailangan ko lang i-kondisyon ang sarili kong maging komportable sa mga tao. ang mga kilos naman daw kasi natin ay minomotivate ng rewards at punishments lang mula sa paligid. gumana siguro to dati. pero ngayong college, gano katagal ba bago ako tuluyang masanay??

sabi ko naman, halata bang nagrereview na ko para sa last exam? XD

No comments:

Post a Comment